Lun at Huw: 10am – 6pm · Mar at Miy: 9am – 5pm · Biy at Sab: Sa appointment lang · Lin: Sarado
Menu

Tradisyonal na orthodontics

Sa bandang edad na pito inirerekomenda ng American Association of Orthodontics ang unang pagpapatingin ng bata sa orthodontist. Magkahalo na ang ngiping gatas (primary teeth) at permanenteng ngipin ng karamihan ng batang nasa ganitong edad. Kaya mas madaling ma-diagnose at maayos nang maaga, at nang walang operasyon, ang mga problema sa ngipin at panga. Hindi lahat ng bata ay kailangan ng orthodontic treatment, kaya kailangan ang pagsusuri ng doktor ninyo sa Roselle, IL para malaman kung aling mga bata ang makikinabang sa treatment.

Madaling makita ang gandang dala ng tuwid na ngipin. Pero hindi napapansin ng maraming tao ang mga benepisyo sa kalusugan ng pagtutuwid ng ngipin. Mas madaling maipunan ng bakterya, magka-cavity, at magkaroon ng periodontal disease ang ngiping may malocclusion (hindi maayos na pagtatagpo ng ngipin) o hindi pantay. Kapag hindi malinis nang maayos ang ngipin, tumataas ang risk na umuga ito at tuluyang mawala.

Ibang-iba na ang orthodontics ngayon sa naaalala ng karamihan ng adult noong bata pa sila! Dati, malalaking metal band ang inilalagay sa paligid ng bawat ngipin. Ngayon, mas hindi na halata ang makabagong materyales, at ginawa ang mga ito para mas epektibong mailipat ang ngipin. Pag-uusapan po ninyo ng doktor ninyo sa Roselle, IL ang iba't ibang opsyon sa treatment at kung ano ang pinakamabuti para sa inyo.


Orthodontics para sa lahat!

Bisitahin kami

Bisitahin ang Modern Essence

Lokasyon namin

818 E. Nerge Road

Roselle, IL 60172

Paano pumunta

Tawagan kami

Masaya po naming sasagutin ang mga tanong ninyo.

(630) 592-8109

Tumawag ngayon

Office hours

Lunes10am – 6pm
Martes9am – 5pm
Miyerkules9am – 5pm
Huwebes10am – 6pm
BiyernesSa appointment lang
SabadoSa appointment lang
LinggoSarado